Lumaktaw sa pangunahing content

Kay Celia

Kay Celia

Kay Celia
ni Francisco Baltazar (Balagtas)

1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Celiang namugad sa dibdib? 

2 Yaong Celiang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
3 Makaligtaan ko kayang di basahin
nagdaang panahon ng suyuan namin,
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

4 Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib,
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.

6 Sa larawang guhit ng sintang pinsel
kusang inilimbag sa puso’t panimdim,
nag-iisang sanlang naiwan sa akin
at di mananakaw magpahanggang libing.

7 Ang kaluluwa ko’y kusang dumdalaw
sa langsanga’t nayong iyong niyapakan,
sa ilog Beata’t Hilom na mababaw
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

8 Di mamakailang mupo ang panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin,
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.

9 Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik
sa buntung-hininga nang ikaw’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring Langit,
Paraiso naman ang may tulong silid.

10 Liniligawan ko ang iyong larawan
sa Makating ilog na kinalalagyan,
binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan
.
11 Nagbabalik mandi’t parang hinahanap
dito ang panahong masayang lumipas,
na kung maliligo’y sa tubig aagap
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

12 Parang naririnig ang lagi mong wika:
“tatlong araw na di nagtatanaw tama,”
at sinasagot ko ng sabing may tuwa,
“sa isang katao’y marami ang handa.”

13 Ano pa nga’t walang di masisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas,
sa kagugunita, luha’y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”

14 Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
nahan ang panahon isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?

15 Bakit baga noong kami’t maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay,
kung gunitain ko’y aking kamatayan
sa puso ko’y Celia’y di ka mapaparam.

16 Itong di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, o, nalayong tuwa,
ang siyang umakay na ako’y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.

17 Celia’y talastas ko’t malabis na umid,
mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig,
di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ng tainga’t isip.

18 Ito’y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal kong yapak,
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

19 Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop,
tubo ko’y dakila sa puhunang pagod,
kung binabasa mo’y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.

20 Masasayang nimfas sa lawa ng Bai,
sirenas ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

21 Ahon sa dalata’t pampang na nagligid
tonohang ng lira yaring abang awit,
na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.

22 Ikaw na bulaklak niring dilidili
Celiang sagisag mo’y ang M.A.R.,
Sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.B.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

The Legend of Mayon Volcano (Ang Alamat ng Bulkang Mayon) By: Rene Alba (L)

The Legend of Mayon Volcano (Ang Alamat ng Bulkang Mayon) (Albay, Bicol) Mayon volcano, Albay In the town of Daraga, in the province of Albay in the Bicol Region, lays the most beautiful volcano in the Philippines-  Mayon volcano.  Its picturesque view may have been what inspired the natives to come up with one of the most exceptional Philippine alamats - the legend of "Daragang Magayon" of the Bicolanos, or "Dalagang Maganda" (beautiful maiden) in Tagalog. Long ago, along the streams of Yawa river lays  a kingdom named Rawis. It is reigned by a very generous...

Ang Alamat ng Bundok Arayat (The Legend of Mt. Arayat) By: Rene Alba (L)

Ang Alamat ng Bundok Arayat (The Legend of Mt. Arayat) (Pampanga, Central Luzon) At the foot of Mt. Alindayat in Pampanga, Philippines, a beautiful maiden by the name of Ara Ayat lived. She was an orphan and is only living with her sick grandmother. Around their small nipa hut, various fruit-bearing trees grow. There are also numerous vegetables, rootcrops, and flowering plants. Ara Ayat patiently cares for these plants. She also tills the soil of their nearby farm regularly. Since their house is far from civilization and Ara doesn’t go to town often because sh...

The Lady Of Stavoren (A Dutch Legend) (W)

The Lady Of Stavoren (A Dutch Legend) By: Aaron Shepard If you take the ferry across the Zuider Zee to the northern province of Friesland, you will land at a small town called Stavoren. Today it is little more than a ferry landing, a brief stop in the journey north. You’d never guess this was once one of the great port cities of Europe. Yet so it was, many centuries ago. And so it might be still, if not for the choice made by a lady. The fine harbor at Stavoren welcomed the ships of many countries, and many countries were visited by the ships of Stavoren. So rich and proud became the city’s merchants, they fitted their doors with handles and hinges of gold. Among these merchants was a young widow, richest of the rich and proudest of the proud. They called her the Lady of Stavoren. The Lady would stop at nothing to show herself better than her fellow merchants. She filled her palace with the most costly goods from wherever her ships made port. But her rivals always foun...